You are viewing [info]dayea_illusions's journal

Dayea's · Scattered · Illusions


come and let us gather them all

Recent Entries · Archive · Friends · User Info

* * *


Sa kwento ng iyong buhay, ikaw ang prinsesa, ikaw rin ang alipin pero sino ka nga ba? Kilala mo nga ba ang sarili mo? Tumingin ka sa salamin. Ito ba ang tunay na ikaw o isa ka lamang kathang isip na nilikha ng isang makata? Alam mo ba kung bakit ka nandito? Maiiba ba ang iyong pananaw sa buhay pag alam mo? Sa iyo nga ba talaga ang iyong buhay? O kontrolado ka ng mga idelohiyang pinaglalaban mo? Ano nga ba ang tama? Ano nga ba ang mali?
 
Mga tanong…
 
Mga tanong…
 
May katapusan ba ang mga ito? Ano ang iyong gagawin sa iyong buhay para masabi mong talagang iyo ito? Magpapatuloy ka bang mabuhay sa mortal na daigdig o magiging duwag ka at tatapusin mo na ito? Ano ba ang sukat ng ‘katapangan’? katapangan ba ang mabuhay ng patuloy at hamunin ang mundo para ipakitang mali ka nga ? o mas matapang ka na tapusin na ito at harapin ang isang katapusan na dapat di ikaw ang gagawa? Kaduwagan ba ang talikuran ang buhay at yakapin si kamatayan? Ano ang iyong gagawin kung pati si kamatayan ay itakwil ka at hahayaang mabuhay ng patuloy hanggang makita mo ang tunay na ikaw?
 
Ano ang iyong gagawin upang mawala ang bahid ng dugo mula sa iyong kamay at mukha? Ano ang iyong gagawin upang di mo na marinig ang mga sigaw na nagmumula sa ilalim ng lupa? Ano ang gagawin mo pag nakita mo ang sarili mo salamin ngunit ang nakita mo ay multo na lamang ng iyong dating katauhan? Ano ang iyong gagawin kung nahanap mo ang tunay mong sarili sa iyong anino?
 
Umiyak ka man di mo na kayang hugasan ang iyong mga pagkakamali. Lumipad ka man upang hagkan ang langit, ngunit nung inakala mong nandoon ka na, natagpuan mo ang iyong sarili sa yakap ng kadiliman. Haharapin mo ba ang multo ng iyong nakaraan o magatatgo ka na lang habang buhay sa likod ng mga kasinungalingan? Paano ka lalaya mula sa iyong sariling kulungan na ikaw rin lang ang lumikha?
 
Ano ba talaga? Ano ba talaga ang buhay? Ano ba talaga ang kamatayan? Ano ba talaga ang kasiyahan? Ano ba talaga kalungkutan? Ano ba talaga ang pag-ibig? Ano ba talaga kabiguan?
 
Ang lahat ng ito ay masasagot ng tao pero iba-iba ang kasagutan sa base sa bawat pananaw. Puwedeng ang buhay ay ang buhay na matatagpuan pagkatpos ng mortal na kamatayan. Pwede ring ang kamatayan ay ang araw-araw na pagkukunwari na babalik ang isang taong di talaga para sa iyo. Puwede ring ang kasiyahan ang pagpaparaya upang sumaya ang isang iniibig, kahit na ang katumbas ay habang buhay na pagpatak ng luha. Puwede ring ang kabiguan ay mapapasa-iyo nga ang pisikal na katawan ng taong mahal ngunit ang puso’t isipan nya ay nasa iba.
 
Ako, nahanapan ko na ang aking sarili. Natanggap ko na ring ang aking buhay ay di akin. Natanggap ko na ring na ang mga katanungan sa buhay ay di nasasagot sa isang iglap lang. nahahanap o nasasagot ang mga ito sa mga sitwasyong ating tinatahak araw-araw. Ang sariling pananaw ay di dapat ipagpilitan sapagkat bawat tao ay may sariling perosnalidad, may sariling paniniwala, may sariling pag-iisip. Ang tao ay sadyang matalino pero nagpapakatanga lamang kung minsan. At inaamin kong ako rin ay may mga  katangahan na nagagawa at ikinakahiya sa una pero tinatawanan ko na lang sa kalaonan. Wala akong pakialam kung may paniniwala ka sa Diyos o wala. Respetohin mo ako at ibabalik ko ang respetong ibinigay mo sa akin. Wala akong pakialam kung ano ka sa iyong nakaraan. Tatanggapin kita kung ano ka at kung sino ka. Wag mo lang akong husgahan sapagkat hindi ikaw ang nagbigay buhay sa akin. Kung ayaw mo sa akin, di ko ipagpipilitan ang sarili ko sa iyo o kaya’y baguhin ang mga paniniwala at katauhan upang magustuhan ako ng lipunan.  
 
Ikaw, nahanap mo na ba ang iyong sarili? Gusto mo ba ang iyong nakikita? Kung hindi, ano ang iyong gagawin? Kung oo, ipagpapatuloy mo ba ang iyong kasalukuyan?
 
Mga tanong…
 
Mga tanong…
 
May katapusan ba ang mga ito?
 
Sa salamin ng buhay, nakita mo ang iyong tunay na sarili. Gusto mo ba ang iyong nakikita?
_______________________________
picture courtesy of fredmiranda.com
 
Place Under the Sun:
shop
Frame of Mind:
hyper hyper
Notes and Lyrics:
When will it be me by Yasmeen
* * *



Isa, dalawa, tatlo…
Patuloy ang pagpatak ng luha ko
Di ko alam kung hanggang kailan ito
Pero para sa iyo, iiyak ako
    

Isa, dalawa, tatlo…
Buntunghininga lang ang nasambit ko
Ng nagtanong ka kung saan na ang punta ko
Sapagkat pati ako, di ko alam kung saan ako patungo
    

Isa, dalawa, tatlo…
Bawat hakbang palayo sa iyo
Palayo sa isang panaginip na ang laman ay tayo
Panaginip na naging bangungot paggising ko
    

Isa, dalawa, tatlo…
Ang gabi’y unti unting naglalaho
Sa malayo natatanaw ko na ang bukas na bago
Ang tanong: Bukas meron pa bang ‘tayo’?
    

Isa, dalawa, tatlo…
Patuloy ang pagpatak ng luha ko
Di ko alam kung hanggang kailan ito
Pero para sa iyo, iiyak ako
            

- melai
scattered illusions©

Picture credits to www.cyworld.com/hoosama 
Place Under the Sun:
shop
Frame of Mind:
bored bored
Notes and Lyrics:
Patience by Guns N' Roses
* * *




Saan ka pupunta sa mundong ito kung ang lahat ng lugar na patutunguhan mo ay puno ng maligno na nagpapanggap na tao? Saan ka tatakbo kung sa lahat ng sulok may naghihintay para sunggaban ka at himukin na sumama sa liko-liko nilang pag-iisip? Saan ka pupunta kung sa gilid ng kalsada, nakaabang ang tukso na lulukob sa iyong mundo? Saan ka pupunta kung kahit anong gawin mo, nakabuntot pa rin sila sa iyo.


Tumakbo ka, sumigaw ka, tumalon ka magtago ka, nandiyan pa rin ang iyong nakaraang ayaw kang lubayan. Pati sa kamatayan ayaw kang iwan. Hahabulin ka pa rin kahit na nailabas mo na ang huli mong hininga. Nandyan sila sa loob ng iyong utak, mga halimaw na iyong nilikha, kahit pumikit ka, nakikita mo sa likod ng iyong isipan ang kanilang mga matang nakatingin sa iyong mukha. Di mo mabura sa alaala ang mga ngiting may ibang kahulugan maliban sa kaligayahan. Magsisi ka man, huli na. ang kapatawaran na iyong hinihiling ay di na mapapasa iyo. 


Iwasan mo man, nakadikit pa rin sila sa iyo na parang balat. Alisin mo man ay mag-iiwan ng pilat na siyang magpapaalala sa iyo ng mga demonyong gumagambala sa iyong pagtulog. Tulog ka man o gising, para ka pa ring nanaginip. Parang kang nakalutang sa hangin at nakatingin sa iyong mortal na katawan na tumatakbo palayo ng palayo mula sa iyong mundo. Pero sa iyong paglingon sa iyong likuran, nakita mong di ka man lang lumayo kahit isang hakbang man lang mula sa iyong kinatatayuan. Luminga ka sa iyong paligid at walang kang nakita kundi mga matang nanalilisik sa galit at gutom. Nakita mo ang apoy mula sa kanilang mga mata na di kayang diligan kahit ng iyong dugo na tumatagos mula sa sugat ng iyong kaluluwa. At ang gutom nila ay malalasahan mo sa hanging nakapalagid sa iyo. Pati ang mga diyos at diyosa ay wala nang magawa kundi ibigay ka ng kusa sa mga kamay na naghihintay para paghatian ang iyong laman. Pipirapirasuhin ito hanggang maging singlaki na lang ng abo sa hangin, ngunit ang galit at gutom ay nandun pa rin.


Ito na ba ang mundong nalikha mula sa iyong imahinasyon? Saan ka pupunta upang matakasan ang iyong kahapon? Saan ka pupunta pag ang pintuan sa iyong katinuan ay nakapinid sa kabila ng tulay na di mo makita sa liwanag? Ano ang iyong gagawin kung ang akala mong pakpak na binigay sa iyo upang makalipad tungo sa kaligtasan, ay siya ring dahilan upang bumulusok pababa sa kawalan? Ano ang iyong gagawin upang magising sa isang bangungot na syang pumipigil sa iyo upang mabuhay sa labas ng karimlan na bumabalot sa iyong diwa? Ano ang gagawin mo pag nalaman mong katotohanan na pala ang bangungot na bumabagabag sa iyo? Ano ang iyong gagawin upang makawala sa larawan na naging iyong bilangguan mula pa noong ika’y isang musmos pa lamang? Ano ang iyong gagawin pag nalaman mong isa ka lang palang larawan na nakasabit sa dingding?
Place Under the Sun:
Shop
Frame of Mind:
cynical cynical
Notes and Lyrics:
Fade to Black cover by disturbed
* * *

 


Just walk away
Stop confusing my tired mind
Stop confusing my already crushed heart
And stop giving hope to my already withered dreams
Stop shedding light to my already dark world
Just walk away
 

Just walk away
And stop me from waiting form your return
Stop me from falling more deeply in love with you
Stop holding to my already weak hand
Stop looking to my already tear streaked eyes
Just walk away
 


Just walk away
And don’t stop me from letting you go
Don’t stop me from picking up the pieces of my shattered life
Don’t stop me from starting anew
Don’t stop me from forgetting you
Just walk away
 
Just walk away
And let me dream again
Let me find myself again
Let me ride with the wind of fate
Let me fall in love with another person who deserves my love for you
Just walk away
 


And set me free….
 

melai
scattered illusions©
 
Place Under the Sun:
shop
Frame of Mind:
crushed crushed
Notes and Lyrics:
Homecoming Queen by Hinder
* * *

 Choices....




Every day we make them. Either to sleep for five minutes more or to get up immediately after the alarm clock screamed its fucking head of. To help your mom in making her workload lighter or continue to be the bane of her existence. Either to walk away or not to walk away from a relationship that’s been falling apart since day one. Either to cry every time because we regret the choice we made, or to make the best out of it and go on with life.


 


We make them everyday and sometime we choose the wrong choice and blame it to someone. It’s either your parents were fucked up in the head and never taught you anything about life, or you never got the chance to better than what you are now. Fuck that! You saw what your parents did and they are living examples of what life can be if you follow their examples. It’s true that you are your father’s son, or daughter, but still you have the brains that you can use to your advantage. You always have the choice to what life you want to live. If you made a mistake in the choice you made, suck it up. Pull yourself up and go on with life because it’s only you that you can rely upon, the only one that who can help you. But then you also have the choice to sulk in one corner of the world and watch your life pass you by and in the end, live with so many what-if’s.

 

It’s true that we are human; tend to make so many mistakes, tend to be weak. But don’t make that your fucking reason every time you fall down. We are also human who can make the best out of the foulest situation we are in. We are also human that have the wits to get up and go on. We are allowed to make mistakes so that we can learn from them. We are allowed to make mistakes to grow to be what we are meant to be. We are allowed to make mistakes to know our capabilities and to strengthen our weaknesses. But to make the same mistakes over and over and over again is just plain stupid.

 


I made a lot of mistakes; I have my fair share of scars. There are times that I tend to be resilient as I can, bend to extend I can fell my core crumble apart, sacrifice everything I can give that in the end there’s nothing left. I feel what I have is an empty shell. But still, I made those choices. Do I regret it? No, I don’t. Hell! If I regret every wrong choice I made, I’d be wallowing in self-pity. Instead, I made those wrong choices work my way and in the end, I realized that I made the right decision. If I choose the different one, then I’m not what I’m now. And I like what I am, thank you very much. Well, there are also perks of being an eccentric, opinionated geek that has an unusual perceptive of things around her…

 

We make choices everyday and we should be prepared of what they may bring. Every choice has its pleasant results and sometimes has its not so pleasant results. But either way, be prepared for the consequences they throw your way. 


Place Under the Sun:
shop
Frame of Mind:
bitchy bitchy
Notes and Lyrics:
Shout 2000 by Disturbed
* * *

 
Matagal ko nang ibig isulat sa kapirasong papel ang mga kuro-kurong gusto kong ipahayag. Ang mga saloobin na siguradong maraming magtataas ng mga kanilang kilay...

Matagal na ang isyung ito pero sya pa rin ang bumabagabag sa simpleng utak sa loob ng aking bungo.

Edukasyon: para lang ba sa mayayaman at sa mga determinadong magkaroon ng kapirasong papel na magpapatunay na may natapos ka?

Para makamit kapirasong papel na ito, maraming protesta ang nakikita sa lansangan, Sumisigaw dahil sa di raw makatarungang pagtaas ng matrikula sa mga unibersidad at mga colegio. Para sa akin, at ito ay opinion ko lamang: paano tayo magkakaroon ng magandang edukasyon kung ang mga pasilidad sa inyong eskwelahan ay mababang kalidad. Paano mo maisasaulo ang mga pingsasabi ng iyong mga propesor kung ang upuan mo ay may 3 paa lamang? Para sa akin, kailangan din namang magtaas ng matrikula ang mga Unibersadad para matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Ang CHED ay nagbigay ata ng kauutusan na pwedeng magtaas ang mga unibersidad na walang kahit walang consultation sa mga estudyante pero ang pagtaas ng matrikula ay naayon lamang sa inflation rate na meron tayo sa ating bansa. Sang-ayon ako doon, pero di ako sang-ayon kung mas mataas pa doon ang hinihiling. Kailangan din nmn kasi ng mga eskwelahan ang pondo para makacope-up sa mga pagtaas ng bilihin. Mas maganda na sa akin ang ganun kaysa naman mgsara ang eskwelahan dahil nalugi ito. Kung masyadong mataas pa rin ang itataas ng matrikula, kausapin ang mga admin. Kaya nga may itinalaga ang mga estudyante n mga lider para mayroon tayong boses na syang makikipag-usap sa admin. At di kayo itinalaga dyan para manguna sa mga rally pag di umaayaon ang mga sitwasyon sa mga kagustuhan nyo. Isispin nyo muna kung bakit sila ngtaas, dahil ba sa personal gain o dahil sa ekonomiya? pag meron kayong solid na katibayan na for personal gain, susuportahan ko kayo, 100%, pero pag haka-haka lamang at dahil sa bugso ng damdamin, mag-isip muna kayo bago kayo magprotesta sa lansangan. Di porke't nakuha natin ang gusto natin sa pamamagitan ng protesta nung una, eh un n at un ang gagamitin para makuha ang ating nais.

At sa mga nagrarally, wag nmn sana nilang pigilan ang mga gustong pumasok. Naranasan ko n ung di ako makapasok sa main gate dahil talagang hinharang nila ang mga mag-aaral para di kami makapasok. Huwag nmn sanang ganun. At sana wag nmn silang kutsahin kung gusto nilang pumasok. bakit, maikakatulong ba kayo kung bumagsak sila kasi nakamiss sila ng isang major quiz dahil hinarangan nyo sila para lang maiparating sa mga kinauukulan ang mga hinaing ninyo? Lahat nmn ay pwdng pag-usapan. Kaya nga bigyan tyo ng gumagalaw na laman sa loob ng bunganga na ang tawag ay dila para gamitin. Pero binigyan din tayo ng utak para mag-isip kung ano talaga ang narapat na gawin at di magpadala sa bugso ng damdamin. Kung di na tayo nag-isip, saan patutungo ang mga nilalaban natin? Sa basura. Walang ng silbi ang mga pagod na iniukol. Kya para sa akin lang, isipin muna ng mabuti ang gagawin bago magsisigaw sa lansangan.

Pero ang ito matindi dyan. Nakuha nga natin ang kapirasong papel n ninanais at pinghirapan ng ilang taon. Pero pagkatapos, ano na? Napakasaklap isipin na maraming nagtatapos taon-taon, pero iilan lamang ang sa mga ito ang ngakakaroon ng trabaho na naayon na natapos nila. Tama bang sales lady ang natapos ay Engineering? Saan na dun ung pinag-aralan natin? Nagamit ba natin ung pingsasaksak natin sa ating mga utak ng 5 o 6 na taong iginigol sa kolehiyo? mas mabuti pa sana na ngvocational tayo sapagkat kahit vocational ang natapos, siguradong may trabaho agad sapagakat skills ang ipinagmamalaki nila at di lang theory.

Nakakatawa talaga ang panahon ngayon... Nakakatawa na nakakainis!! Kya sa 2007, mag-aaral uli ako pero AB English ang kurso ko. Magtuturo na lang ako at ikucorrupt ko ang mga utak ng mga estudyante ko! Mwahahahahahha!!

Place Under the Sun:
work shop
Frame of Mind:
curious curious
Notes and Lyrics:
Mother Mother by Tracy Bonham
* * *